Friday, 11 May 2012

I'll see you soon, Ma.

Exactly, 39 days since you went away. I miss you so much, Ma. Bago ko 'to gawin, kinuhanan ko ng picture lahat ng bagay na huli mong ginamit. I know, nakikita mo ko while I'm inside your room. Iyak ako ng iyak Ma, I just couldn't believe you're gone. :( Para akong nasa panaginip. At gusto ko ng magising.

Honestly Ma, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Tuwing mag-isa ako, naiisip ko, "paano na, ano ng gagawin ko?" Ni hindi mo man lang naabutan na may napakilala ako sayong matinong lalaki na mamahalin ako at hindi ako sasaktan. Hindi mo na naabutan na magka-pamilya ako at magkaron ng anak. :( Nalulungkot ako tuwing naiiisip ko yun Ma. Parang nawala yung buong pagkatao ko nung nawala ka Ma.

Ganito pala kahirap at kasakit. :( Nilalakasan ko lang yung loob ko Ma, dahil alam kong hindi ka matatahimik at hindi ka magiging masaya na nakikita akong ganito. Nung mga huling sandali mo, nag-promise ako na hindi ko papabayaan sarili ko at kakayanin ko mag-isa. Ma, ang hirap hirap pala. Hindi ako sanay na gumising na alam ko ng wala ka na. :'( Hindi ako makapaniwala. Parang ayaw ng isip at puso kong paniwalaan. :(

Nasstuck-up ako Ma. Para akong lutang sa kawalan, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Paano gagawin ko, saan ako pupunta. :'( Pinipilit ko Ma. At alam kong alam mo yan, dahil nakikita mo ako, gabi gabi, kinakausap kita, sinasabi ko sayo kung gaano ako nahihirapan. :(

Ma, ang dami dami kong gustong sabihin sayo. Ang dami kong gustong gawin, just to make it up to you. Alam ko na hindi ako naging perpektong anak, at kapatid, pero alam ko din Ma, na pinatawad mo na ako. Gusto kitang yakapin Ma. Na-mimiss na kitang hawakan. Na-mimiss ko na yung mga ginagawa natin noong malakas ka pa. 

Na-mimiss ko ng ipag-drive ka pag nagggrocery ka, samahan ka sa SM pag magbabayad ka ng bills, na-mimiss ko ng kumaen sa labas kasama ka, mag-shopping kasama ka, mamasyal kasama ka, na-mimiss ko na yung mga text mo kapag ginagabi ako at wala pa ako sa bahay. :'( Miss ko na lahat yun. Dati rati, madalas kong mabasa sa inbox ko yung pangalan mo, ngayon, wala na. :( 

Na-mimiss ko ng paliguan ka, at palitan ka ng diaper. Ipaghanda ka ng pagkaen at painumin ka ng gamot. :( Na-mimiss na kita Ma. Hindi ko mapaliwanag, pero sobrang nangungulila ako sayo. :'(

Alam ng Diyos kung gaano ako nalulungkot at nahihirapan. At alam kong alam mo din yun, dahil alam kong binabantayan mo ako araw-araw, minu-minuto.

Mag-isa ako ngayon Ma. At alam kong anjan ka lang sa tabi ko. Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. Naging napaka-buti mong Mama sa amin, at hindi yun matutumbasan ng kahit ano. :( 

Tulungan mo ako Ma. Tulungan mo ako tanggapin na wala ka na. Na bukas, sa isang linggo, sa isang buwan sa mga susunod na taon, hindi ka nanamin makakasama at makikita. :'( Napasakit Ma. Napakasakit.

Ikaw na lang ang namumukod-tanging kakampi ko. :'( Tulungan mo ako Ma, na maitama ko lahat ng pagkakamali ko, at maitama ko ang buhay ko.

Miss na miss na kita Ma. Sobra sobra. Nadudurog yung puso ko tuwing naiisip kita. Tuwing napapadaan ako sa kwarto mo. Para akong tinotorture sa sakit. :( Hindi ako makatulog dahil sa lungkot na nararamdaman ko. :'(


Before namin finally i-give up lahat ng 'to, I decided to take photos of them, dahil alam kong after a year, or 2 years or 3 years from now, makikita ko 'tong post na 'to, maaalala kita, magiging fresh sakin lahat ng nangyari sa atin noong April 2, 2012. :'(

I miss you so much, Ma. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal.... Promise ko sayo, babangon ako. Sisikapin kong maging successful sa buhay, para maging proud ka sakin. :'( 

I love you so much Mama. I'll see you soon.




Paulyn.